32

Sep 11, 2021 @ 22:24
By

Duterte suportado pa rin pagsusuot ng face shield

Patuloy na ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang karagdagang proteksyon na maibibigay ng pagsusuot ng face shield laban sa COVID.

“You have to continue using it (face shield). Mabuti na lang iyan. I mean, [you will have] a little amount of protection in addition to the mask which will be provided by the face shield,” pahayag ni Duterte sa kanyang Talk to the People.

Ito ay kahit pa kabilaan na ang panawagan na tanggalin na ang face shield kung wala naman sa pagamutan.

Depensa naman ni Duterte, mas mainam na may face shield dahil matatanggal daw ang ‘premium of protection’ kapag ‘di na ito isusuot.

“Mas makatulong ito kaysa tanggalin natin, you will remove premium of protection. [You will have] not really complete protection but the premium that it will provide by wearing face shield,” dagdag pa ng pangulo.

Kamakailan din lamang ay itinanggi ng Palasyo ang paratang na may anomalya o korapsyon sa likod ng kautusan sa pagsusuot ng face shield.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?