328

May 26, 2019 @ 14:52

Duterte sumisimpleng sulyap kay VP

Magkatabi sa kanilang pwesto sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa naganap na graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019.

Kapuna-puna ang ilang beses na simpleng pagsulyap ni Pangulong Duterte sa katabing bise-Pangulo.

Samantala late na dumating ang Pangulo sa naturang graduation dahilan ng pagkaantala ng programa.

Inaasahang magsisimula sana ang graduation nang alas-9 ng umaga.

Nagsimulang magmartsa ang mga kadete sa Borromeo Field matapos ang 10:30 ng umaga ngunit natigil ang mga ito nang dumating ang presidential motorcade sa akademya dakong 10:55 ng umaga.

Nagpatuloy ang seremonyas nang makaupo na si Duterte katabi si Vice President Leni Robredo at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?