83

Nov 21, 2019 @ 15:04
By

Duterte sobrang nainsulto kay human rights advocate Kine

Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinakamalaking insulto sa kanya ang naging pahayag ni human rights advocate Philem Kine na ipaaresto siya.

Kasunod ito ng post ni Kine sa Twitter na nakapag-impake na ito para pumunta sa Pilipinas at magbigay ng payo at rekomendasyon kay Vice President Leni Robredo, partikular ang mungkahing ipaaresto ang Presidente.

Sinabi ni Pangulong Duterte na sarado na ang utak ng mga taga-Human Rights at ayaw makinig sa mga paliwanag ng gobyerno.

“It’s an insult, the greatest insult that I have received from these people. They refused to understand,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na may kanya-kanyang adbokasiya sa buhay at kung ayaw aniya ng kanyang mga kritiko ay malaya ang mga ito na umalis ng Pilipinas.

Dahil aniya sa war on drugs ay nakapagtala ang mga awtoridad ng 49-percent na pagbaba ng krimen sa buong bansa.

“We have our own advicacies in life. If you do not like it, fine. You go out of this country and see there somewhere else. But at least there has been a 49% drop of criminal cases in the country today,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?