By

Duterte sinumbatan sa drug list

Sharing is caring!

Wala umanong basehan at hindi kapani-paniwala ang drug list na ipinangalandakan dati ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iyan daw ang pinatunayan ng pagbasura ng Department of Justice sa kaso ni Kerwin Espinosa at negosyanteng si Peter Lim.

Katuwiran ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, ang drug list ni Duterte ang basehan ng umano’y pagkakasangkot sa kalakalan ng ilegal na droga ni Kerwin at ama nitong si dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

“Marami na ang napatay ng dahil sa listahan na ito ng Pangulo. The father of the now-absolved Kerwin Espinosa were among these many deaths. It turns out these were arbitrary killings,” ayon kay Alejano.

Muling binanatan ni Alejano ang kampanya kontra droga ng administrasyon na aniya’y nakasentro lang sa pagpatay sa “small-time” na karamihan ay mahihirap habang ang mga high-profile drug personalities ay inaabsuwelto.

“Big-time drug lords are acquitted, while poor small-time drug users face death at an instant. This is supposedly how the ‘justice’ system works under the Duterte administration,” sabi ng kongresista.

Sinegundahan ito ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na nagsabing hindi dapat gamitin sa criminal prosecution ang drug list ni Pangulong Duterte.

Ipinunto rin ng kongresista na PNP Intelligence ang tumukoy kay Lim bilang Visayas drug lord.

“The foundation of all drug cases instituted by these administration has been severely compromised,” ani Baguilat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?