2,237

Jun 11, 2019 @ 11:01
By

Duterte sinulsulan lang ni Quiboloy – Kapa Pastor Joel Apolinario

Inakusahan ng abogado ni Kapa Ministry Pastor Joel Apolinario si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy ng panunulsol kay Pangulong Rodrigo Duterte upang ipasara ang lumalaking investment scheme ng religious company na nakabase sa Surigao del Sur.

Sa report ng MindaNews, sinabi ng abogado ni Apolinario na si Riolen Gillesania na biktima lamang ang Kapa ng panunulsol ni Pastor Quiboloy matapos na umanib ang ibang miyembro ng relihiyon nito sa kanilang samahan.

Idiniin ni Gillesenia na inilabas lamang ni Duterte ang kaniyang order na ipasara ang Kapa at arestuhin ang mga lider nito dahil sa “syndicated estafa” sa one-on-one interview ni Quiboloy sa Sonshine TV Network.

Noong Lunes, dalawang araw matapos ang interview ni Quiboloy kay Duterte ay ni-raid ng National Bureau of Investigations ang bahay ni Apolinario sa General Santos City base sa search warrant na inisyu ni Judge Marivic Umali ng Regional Trial Court Branch 20 sa Manila.

Tinawag ni Duterte ang Kapa (mula sa salitang kabus Padatoon na ang ibig sabihin ay the poor will become rich) na isang pyramid scam dahil sa pang-uuto umano nito at pag-ooffer sa mga investors ng 30 % return sa kanilang “donations” for life.

Noong Abril ay ni-revoked ng Securities and Exchange Commission ang registration ng Kapa ngunit agad na nagsampa ng cease and desist order si Apolinario mula sa General Santos City judge na nagrule sa Kapa bilang religious organization kaya labas umano ito sa jurisdiction ng SEC.

Samantala dahil sa utos ni Duterte at sa freeze order sa mga asset ng Kapa mula sa Court of Appeals ay muling inaksyonan ng SEC ang isyung ito ng Kapa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?