25

Sep 28, 2021 @ 18:35
By

Duterte sinuka mga kawani ng gobyerno na ayaw paturok

Pinapaalis ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal at kawani ng gobyerno na ayaw magpabakuna kontra COVID-19.

Sa kanyang Talk to the People, hindi aniya maaaring idahilan ng isang empleyado o opisyal ng gobyerno ang kanilang paniniwala sa relihiyon o anopaman para huwag magpabakuna dahil ang isinaalang alang ng gobyerno ay ang kaligtasan ng mga tao.

“Ayaw mo magpabakuna, umalis ka. Go out of government. Why? Because when you are with government you face people, people transact business officials, audiences or visits,” anang Pangulo.

Hindi aniya maaaring isangkalan ang relihiyon o ibang paniniwala dahil walang pinipiling relihiyon o paniniwala ang banta ng COVID-19 dahil hindi ito katanggap-tanggap sa gobyerno.

“Kung ikaw ay carrier, wag mong sabihin na ang relihiyon mo o ayaw mong maniwala. It is completely irrelevant to us in government,” dagdag ng Pangulo.

Paulit-ulit na aniyang nakikiusap ang gobyerno na magpabakuna na ang mga tao dahil mayroon ng COVID vaccines kaya dapat samantalahin ang pagkakataon dahil para na rin ito sa kaligtasan ng mamamayan laban sa mabagsik na virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?