124

Jan 7, 2022 @ 17:10
By

Duterte sinisi sa Pasko, New Year pagsirit muli ng COVID case

Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa maramihang paglabas ng mga tao noong Disyembre ang biglang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na halos lumabas lahat ang mga tao noong Pasko at Bagong Taon at nakalimutang sundin ang basic health protocols lalo na ang social distancing.

Marami aniya ang nakipagsiksikan sa Divisoria at iba pang matataong lugar para mag-shopping habang ang iba ay nagsaya sa mga party sa kabila ng paalala ng mga eksperto at gobyerno.

“Wala akong ibang maibigay na sensible theory. It was because of yung everybody was out and people were crowding everywhere sa Divisoria so walang social distancing,” anang Pangulo.

Kahit aniya naka-face mask ang mga tao pero dikit-dikit naman ang mga ito kaya malaking dahilan ang body contact sa hawaan.

Hindi lubos-maisip ni Pangulong Duterte kung bakit sobra ang pagtaas ng mga kaso sa loob lamang ng dalawang araw pero naisip nito ang incubation period bago makita ang epekto ng hawaan na kung babalikan ay eksakto sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

“I’m just wondering why I said there is almost exponential rise in a matter of two days. Why the sudden rise, sharp, in a matter of two days? So ako, sabi ko nga ultimately I’m the one to be blamed. Siguro ‘yung New Year, New Year’s Eve, Pasko,” dagdag ng Pangulo.

Nasa Alert Level 2 ang bansa noong December 16 hanggang December 31, 2021 kung saan maluwag ang ipinatutupad na mga patakaran at malayang nakalabas ang lahat pati mga bata dahil sa mababang bilang pa noon ng mga tinamaan ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?