19

Dec 17, 2020 @ 15:03
By

Duterte sinabihan: ‘Wag mang-red-tag ng oposisyon

Nanawagan ang ASEAN Parliamentarians for Human Rights (APHR) kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa iba pang opisyal ng gobyerno na tantanan na ang mapanganib anilang red-tagging laban sa mga opposition solon.

“We urgently call on President Duterte and the Philippine government to stop labelling directly-elected representatives as terrorists, and allow opposition lawmakers to effectively fulfill their mandates and freely express their opinions,” ayon kay APHR chairperson Charles Santiago.

Ginawa ng APHR ang pahayag sa kasagsagan ng ginagawa ni Duterte at ng ibang politiko na pag-uugnay ng Makabayan Bloc sa mga rebeldeng komunista. Makaulit nang tinanggi ng Makabayan lawmakers ang naturang paratang.

Matatandaang inakusahan din ni Duterte ang ibang progresibong grupo, gaya ng Bayan at Gabriela, na fronts umano ng Communist Party of the Philippines at National Democratic Front.

Punto ni Santiago, na isa ring Malaysian Member of Parliament (MP), ang red-tagging ay may marahas na kinahinatnan sa Pilipinas at direktang nilalagay sa panganib ang buhay ng oposisyon.

Hinimok ng APHR ang pamahalaan na hayaan na ang oposisyon na gawin ang mandato nitong bantayan ang Ehekutibo at makapagpahayag ng mga saloobin nang malaya.

“Red-tagging has had extremely violent consequences in the Philippines, and the fact we are seeing President Duterte leading the way on such a menacing practice is utterly inexcusable,” bigkas ni Santiago.

“Let’s be clear: not only do the president’s actions attempt to silence political opposition and undermine democracy, but they also directly put people’s lives at risk, particularly those who oppose his agenda.”

“How can lawmakers be expected to fulfil their role as a check on the executive when they themselves are being attacked?,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?