511

Mar 23, 2019 @ 17:02
By

Duterte: Sapatos na gawang Marikina, kayang makipagsabayan abroad

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na malayo ang mararating ng mga sapatos na gawang-Marikina lalo na kung mapahusay pa lalo ang kalidad nito.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Marikina City nitong nakalipas na araw na kilala ang lungsod dahil sa matitibay na sapatos at kayang tapatan ang mga gawang Europa lalo na kapag na-perfect ang kalidad nito.

Ipinagmalaki ng Presidente na gawang Marikina ang isa sa mga ginagamit nitong sapatos na iniregalo ni Rolando de Guzman na aniya ay hinangaan ng ilang dayuhang naging bisita nito sa Malacañang.

“Marikina is known for its shoes. Pag na-perfect ‘yang Pilipinas, I’m sure Marikina would go a long way to be somebody,” anang Pangulo.

Kaya aniyang makuha ng mga sapatero sa Marikina ang market ng sapatos lalo na kapag napahusay pa ang kalidad nito.

Sinabi ni Pangulong Duterte na mayroong mahigit 100 milyong populasyon ang bansa at kahit 100 milyon lang ang makuhang market ng Marikina ay malaking bagay na ito sa industriya ng pagsasapatos.

“Alam mo may something like 110 million Filipinos. Biro mo ilang paa ‘yan? You just think about it. And if you just can improve on it, you would be cornering the market,” dagdag pa ng Pangulo.

Maaari rin aniyang ibenta sa labas ng bansa ang produkto dahil talaga namang matibay ang mga gawang-Marikina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?