30

Jul 31, 2020 @ 14:41
By

Duterte: Saludo ako sa Chinese

Tiwala si Presidente Rodrigo Duterte na ang unang makukuhang bakuna ng Pilipinas laban sa COVID-19 ay galing sa China.

“Kaya ako, saludo talaga ako sa Chinese. Ang unang makuha nga natin [na bakuna] siguro from China,” ani Duterte sa isang taped public address na inere nitong Biyernes ng umaga.

May promising results aniya ang prinoprodyus na COVID-19 vaccine ng Chinese drugmakers Sinovac Biotech at Sinopharm.

Tiwala rin aniya siya na madedebelop ang bakuna laban sa virus sa darating na Disyembre.

Matatandaang sinabi ni Duterte sa panlima niyang State of the Nation Address na hiniling niya kay Chinese President Xi Jinping na unahin ang Pilipinas sakaling magkaroon na ang China ng COVID-19 cure.

Tiniyak naman ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin na uunahin nga nila ang bansa sakaling magtagumpay sila sa pagbuo ng bakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?