49

Oct 20, 2017 @ 15:25

Duterte sablay sa isyung malapit sa sikmura – Baguilat

Ipinakita umano ng pinakahuling Pulse Asia survey sa pangunahing concerns ng mga Pilipino kung gaanong nag-aalala ang mga tao sa hirap ng buhay.

Sa September 2017 Ulat ng Bayan ukol sa “Urgent Local and NationalConcerns and Performance Ratings of the Duterte Administration on Selected Issues”, lumabas na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang pangangailangang itaas ang sahod ang pangunahing alalahanin ng karamihan sa mga Pilipino.

Ayon kay Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, ibig lamang sabihin nito na ang presyo ng mga bilihin at serbisyo, at ang sahod ang nananatiling tunay na isyung dapat tugunan ng gobyerno.

Nagbabala si Zarate na kung hindi ito gagawan ng paraan ng gobyerno ay tiyak na lalong babagsak ang popularidad ni Pang. Duterte.

“Failing to address these issues, plus the added burden of new taxes next year, will only further dissipate the now eroding popularity of the Duterte administration,” giit ni Zarate.

Sinegundahan ito ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat sa pagsasabing sumablay ang administrasyong Duterte sa mga isyung malapit sa sikmura.

Nagbabala si Baguilat na kung hindi kikilos ang administrasyon lalo na ngayong nalalapit ang panahon ng kapaskuhan ay magtutuloy ang pagbulusok ng ratings ng presidente.

“It’s in the economic front where the government has received low marks. As we head towards the Christmas season, trust and satisfaction ratings of the admin will continue to fall commensurate to the escalation of prices of basic commodities,” ayon kay Baguilat. (Pear Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?