83

Feb 12, 2021 @ 21:37

Duterte sa US gov’t: Gusto niyo VFA? Bayaran niyo!

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ng Estados Unidos na dapat silang magbayad kung nais nilang ipagpatuloy pa ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa bansa.

“I want to put notice, if there is an American agent here, if you want VFA, you have to pay,” anang Presidente kanina sa pagsisiyasat niya ng mga bagong panghimpapawid na behikulo ng Philippine Air Force sa Clark Air Base, Pampanga kanina.

“You have to pay because it is a shared responsibility. Your share of responsibility does not come free because after all, when the war breaks out, we all pay,” dagdag pa nito.

Nabanggit din ni Durte sa kanyang speech ang “hinanakit” niya kaugnay sa paghingi ng tulong ng bansa sa kanila.

“In the past, ang hinanakit ko, we ask so much from them because they have taken so much from us na libre..[iyong] advancing their troops in our land, okay lang ‘yan sa akin. We do not want to quarrel with anybody,” ani Duterte.

“The exigency of the moment requires their (Americans) presence here.”

Una nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na magpupulong dapat ang pamahalaan at US government upang pag-usapan ang kasunduan ngunit sinuspinde ito ni Duterte.

Magugunitang Disyembre ng nakaraang taon
nang ‘bantaan’ ng Pangulo ang US na tuluyang ibabasura ang VFA kung hindi sila magbibigay ng COVID-19 vaccine sa ‘Pinas.

“Hindi po ‘yan blackmail. Iyan po ang ibig sabihin ng independent foreign policy. Hindi po tayo sunud-sunuran, hindi po tayo didiktahan ng kahit sino. Dahil tayo ay magkakaibigan dapat magtulungan tayo. Kailangan namin ng vaccine, may vaccine kayo, bigyan n’yo kami,” ani presidential spokesperson Harry Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?