By

Duterte sa Time cover: Mukhang monster ang mukha namin!

Sharing is caring!

Hindi pa rin naalis ang pagkadismaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Time Magazine matapos siyang mapabilang sa apat na world leaders bilang “strongman”.

Ayon sa Pangulo, hindi siya diktador at malayo sa reyalidad ang description na ibinigay sa kanya ng Time Magazine.

“T*** i** itong Time Magazine na ‘to. Inilagay ako doon sa mga despot. Hindi naman ako… Ba’t diktador ba ako? Since when? Since when did I send somebody to prison for just talking against me? Sige nga,” anang Pangulo.

Hindi aniya maganda ang pagka-drawing ng mukha nila sa magazine na aniya ay mukhang monster

“Inilagay pa ako doon sa… Isinabay pa ako doon sa apat kami na mga… Mukhang monster pa ang pagka-drawing ng mukha namin. Typically, the drawing itself was really to fit you as a despot. ‘Kayo, papayag kayo ng strongman?,” dagdag ng Pangulo.

Ang batikos ng Pangulo sa Time Magazine ay ginawa nito sa harap ng mga bagong opisyal ng Armed Forces of the Philippines na nanumpa sa kanya sa Malacañang kahapon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na nakatitiyak siyang hindi hahayaan ng mga opisyal ng militar na magkaroon ng diktador sa bansa dahil matatag ang demokrasya sa Pilipinas.

Bukod sa Pangulo ay kasama rin sa mga pinangalanang “strongman” ng Time Magazine sina Russian President Vladimir Putin, President ng Turkey na si Recep Tayyip Erdogan, at Hungarian Prime Minister Viktor Orban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?