84

Sep 14, 2021 @ 16:32
By

Duterte sa Senado: Pharmally wasakin n’yo kung gusto n’yo!

Hahayaan ng Malacañang kung ano ang gustong gawin ng Senado sa Pharmally Corporation na pinagdidiskitahan ngayon ng Blue Ribbon Committee kaugnay sa mga nabiling medical equipment ng gobyerno mula sa nabanggit na kompanya.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapos na ang ehekutibo sa isyu ng mga biniling medical equipment at malinaw na walang nawaldas o naibulsang pondo ng gobyerno.

“Yung Pharmally puwede na ninyong watak-watakin ‘yan at you do what you want kasi kami tapos na. Wala akong pakialam diyan. You can crumple ang Pharmally, wala kaming pakialam diyan,” ang Pangulo.

Iginiit ng Presidente na tama ang kanilang inorder sa kompanya at ginamit ang Bayanihan 1 sa pagbili ng mga medical equipment.

Nakapagtataka lamang aniya na ngayong nabili na ang mga kailangan para sa pantugon sa COVID-19 ay kinukuwestiyon ng mga senador ang batas na ginawa nila sa Bayanihan 1.

“Sa Bayanihan 1 kayo ang nagbigay ng authority ng executive department even to disregard the procurement law. Tapos ngayon sabi n’yo you can take whatever measures for the fastest delivery of the things we need, ngayon you are dwelling on the procurement law asking the officials to explain of their actuations,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?