15

Mar 5, 2021 @ 13:37
By

Duterte sa publiko: Magpabakuna na kayo ASAP!

Hinimok in Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na magbakuna na kontra COVID-19 ‘as soon as possible’ dahil makatutulong umano itong sa pagpuksa ng pandemya.

“I appeal to all of our kababayans. Please, get vaccinated against COVID-19 and be the government’s partner in preventing further spread of the disease. I encourage you to get vaccinated at the soonest possible time,” wika ng Pangulo sa kanyang talumpati noong Linggo.

Anang Pangulo, umuusad na ang ‘Pinas sa pagbangon mula sa COVID-19 pandemic.

Kasabay nito, tiniyak niya ang publiko na malapit nang matuldokan ang pandemya.

“We may not be out of the woods yet, but we are making progress and the end is in sight. With your cooperation, we will overcome this pandemic and ensure the health and safety of everyone,” pagpapatuloy niya.

Nito lamang Linggo, Pebrero 28, nang dumating sa Villamor Airbase, Pasay City ang 600,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine mula China na siyang unang bakuna kontra nasabing virus ng bansa.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/sinovac-covid-19-vaccine-dumating-na-sa-bansa1/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?