97

Feb 28, 2021 @ 18:22
By

Duterte: Sa ‘Pinas lang naghatid ng bakuna China!

Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamahalaan ng China matapos nitong maghatid ng Sinovac COVID-19 vaccine sa bansa ngayong Linggo. Aniya, sa Pilipinas lang umano naghatid ng bakuna ang China dahil ang ibang bansa ay dumadayo pa roon para kunin ang suplay ng kanilang bakuna.

“China has donated several vaccines to several countries, but its only the donation made to the Philippines that was carried by [a] Chinese government plane,” wika ni Duterte sa kanyang talumpati sa Villamor Air Base, Pasay City.

“‘Yung iba, kinukuha doon sa China, dito hinatid sa atin. Maraming salamat,” pagpapatuloy niya.

Nagpasalamat din ang Pangulo sa mga medical frontliner na sinusugal ang kanilang buhay sa pagsugpo sa COVID-19.

“Allow me to take this opportunity to thank you [for] your valuable and selfless contribution to defy against COVID-19,” sambit ng Presidente.

“[To] recognize the sacrifice you continue to make every single day even at the cost of being away from your loved ones and risking your precious life.”

Kaugnay nito, tiniyak ng Pangulo na susuportahan ng pamahalaan ang mga healthcare worker at tutulungan nila ito sa paraang kanilang makakaya.

“I assure you that the government will always be by your side, ready to help at any way we can,” saad niya.

Ngayong Linggo, alas-4:10 ng hapon, nang dumating ang eroplano mula Tsina na may sakay ng unang bakuna kontra COVID-19 ng bansa.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/sinovac-covid-19-vaccine-dumating-na-sa-bansa1/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?