143

May 10, 2021 @ 22:24
By

Duterte sa pangakong mag-jet ski: ‘It was a pure campaign joke’

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes na “campaign joke” lang ang pangako niya nang mangampanya taong 2016 na magje-jet ski siya patungong Spratly Islands at maglalagay ng watawat ng Pilipinas upang igiit sa China na sakop ito ng bansa.

“Panahon ng kampanya ‘yon. Nagyabang ako na pupunta ako sa Spratly magdala ako ng flag sakay ako ng jet ski. Nagplano ako niyan, bumili ako ng jet ski ang kaya ko secondhand lang hanggang ngayon hindi pa dumating,” aniya sa Talk to the People ngayong gabi.

“At saka ‘yung biro na ‘yun, ‘yung bravado ko, it was a pure campaign joke at kung naniniwala kayo sa kabila, I would say that you are really stupid,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?