107

May 10, 2021 @ 22:07
By

Duterte sa pag-atras sa debate: Nakalimutan ko, ako Presidente

Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes kung bakit siya umatras sa hamong debate kay dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kaugnay sa West Philippine Sea.

“Ang problema lang kasi dito is nakalimutan ko na si Carpio ang hindi ang Presidente, ako,” pahayag ni Duterte sa kanyang lingguhang “Talk to the People” ngayong gabi, Mayo 10.

“Policy statement kung anong itanong niya masasabi ko. I might bind future actions of government pagdating dito sa West Philippine Sea, pero du’n ako sa kahon,” dagdag niya.

Hindi raw siya natatakot sa debate.

“It’s not because I’m afraid of debates. Ilang debate na dinaanan ko nung eleksiyon,” wika pa ng Pangulo.

Matatandaang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na siya na lamang ang pinaharap ng Pangulo kay Carpio matapos makinig ang chief executive sa payo ng mga gabinete na huwag makipagdebate kay Carpio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?