76

Dec 8, 2020 @ 9:25
By

Duterte sa NPA, NDF: Wala nang ceasefire, peace talks!

Wala nang aasahang tigil-putukan ang New People’s Army (NPA) sa gobyerno hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Ito ang inanunsiyo ng Pangulo sa kanyang regular na mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi, batay sa naging rekomendasyon sa kanya ng Armed Forces of the Philippines(AFP) .

Sinabi ng Pangulo na patay na ang ceasefire sa ilalim ng kanyang pangangasiwa dahil hindi naman sumusunod sa kasunduan ang Kilusang Komunista.

“There will be no ceasefire ever again under my term ko pagka-Presidente. For all intents and purposes, ‘yung ceasefire is dead. Wala na,” anang Pangulo.

Bukod sa pagtuldok sa ceasefire ay ibinasura rin ng Presidente and posibilidad na muling pagbuhay sa peace talks sa National Democratic Front (NDF) dahil hindi nagkakaintindihan ang mga ito.

Sinabi ng Pangulo na gusto ng kilusang komunista na makihati ng kapangyarihan sa gobyerno kaya dapat wasakin ang mga ito.

“I would say the ceasefire is dead and the peace talks between the NDF, NPA pati na rin yung legal front nila. You’re put to share power so I have to destroy you,” dagdag ni Duterte.

Matatandaang noong nakaraang taon, parehong nagdeklara ang gobyerno at ang kilusang komunista ng tigil-putukan para bigyang pagkakataon ang mga hukbo na makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon sa piling ng kanilang mga pamilya. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?