245

Oct 19, 2017 @ 18:22

Duterte sa NBI, PNP: Tugisin ang mga illegal recruiters

Bilang na ang araw ng mga illegal recruiters sa bansa matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa mga ito.

Sa kanyang talumpati sa launching ng Anti-trafficking OFW Movement noong Miyerkules ng gabi, inatasan ng Pangulo ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na arestuhin ang mga ahensiyang mapapatunayang sangkot sa illegal recruitment partikular ang mga nagpapaalis ng mga pilipino patungo sa ibang bansa.

Sinabi ng Pangulo na seryoso ang problema sa human trafficking kayat nais nitong gawing prayoridad ng PNP ang illegal recruitment.

“I would like to order now, nandito na lang rin tayo, this would be as good as any other time to task the CIS, that’s the Criminal — CIDG, Criminal Investigation of the police and the NBI to make the rounds to make sure that they are not illegally operated.That’s an order,” pahayag ni Duterte.

Sinabi pa ng Pangulo na tutal wala ng masyadong tinututukan ang PNP sa ngayon maliban sa riding-in-tandem murderers, carnappers at kidnappers, isama na sa prayoridad ang illegal recruitment.

Hinimok ng Presidente ang mga biktima ng illegal recruitment na magtungo sa NBI at PNP para matulungan silang maaresto at maparusahan ang mga nanloko sa kanila.

“For your own protection, for your own protection, sabihin mo na, we have to do this. Eh lalo na ‘yung mga bata, teenager. You would know. I’m sure they’re listening and if you want to help, go direct to the NBI or CIDG of the police. And they are the investigative — it is the investigative body of the police force,” ang dagdag pang pahayag ng Pangulo.

Pagbibida pa ng Presidente, minsan na siyang nag-utos ng shoot-to-kill order laban sa mga illegal recruiters noong siya pa ang alkalde sa Davao City. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?