68

By

Duterte sa Navy: Terroristang maispatan sa dagat, palubugin!

Sharing is caring!

Hindi bibigyan ng pagkakataon ni Pangulong Rodrigo Duterte na makalapit sa Mindanao ang mga dayuhang teroristang magtatangkang pumasok sa bansa sa pamamagitan ng backdoor entry.

Sinabi ng Pangulo na bagamat may napagkasunduang joint patrol sa pagitan ng gobyerno ng Malaysia at Indonesia sa karagatang bahagi ng Sulu Sea at Malacca Strait, mas gugustuhin nitong palubugin sa dagat ang mga terorista.

Mayroon aniyang standing order ito sa mga awtoridad, partikular ang Philippine Navy na kapag may naispatang bangka o lantsa ng mga terorista at nakumpirmang mga terorista ang sakay ay agad na palubugin ito sa dagat.

Sinabi ng Pangulo na mas mainam na kainin ng isda ang mga terorista kaysa makapaghasik ng lagim dahil mas malaking problema ito.

” If it is confirmed terrorist vessel, sink it. Sink it. Never mind about the terrorist, the fish will consume them. Sink it and end of the problem,” pahayag ng Pangulo.

Bagamat tapos na ang krisis sa Marawi City, nagbabala ang Presidente na hindi malayong may uusbong muling kaguluhan kaya dapat aniyang maghanda muli ang puwersa ng gobyerno. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }