137

Nov 16, 2021 @ 18:30
By

Duterte sa nagsasabing kinokontrol siya: ‘Kailangan ko si Bong’

Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya kontrolado ni presidential aspirant at Senator Christopher “Bong” Go.

Ipinahayag ni Duterte sa kaniyang “Talk to the People” nitong Lunes ng gabi, na kailangan niya si Go.

“Nandito rin, attendee si– of course si ES (Executive Secretary Salvador Medialdea) and si Senator Bong Go, chairperson ng…kailangan ko si Bong actually. Hindi sa lahat,” pag-amin ng Pangulo.

Nilinaw din nito kung bakit mahalaga at lagi niyang kasama ang Senador.

“Because Bong is the chairperson sa Senate Committee on Health and Demography. Health kanya eh. So mabuti na siya nandito,” paliwag nito.

Iginiit pa niya na ginagawa lang ni Go ang kaniyang trabaho.

“But he does not control anybody, he does not control me. He is here to do his duty na may matanungan tayo agad. So ‘yun,” dagdag ni Duterte.

Matatandaang binanatan ni dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ang Senador at sinabing ini-impluwensyahan nito ang desisyon ng Pangulo.

“I just don’t like the way he does things, including controlling the decisions of the President,” ani Parlade.

Nanatili namang tahimik si Go sa mga paratang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?