1,361

Dec 17, 2019 @ 21:26
By

Duterte sa militar: Mga terorista durugin!

Para matapos na ang problema ng mga Pilipino, pinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na durugin na ang mga terorista kabilang na ang New People’s Army at Abu Sayyaf.

Anang Pangulo, kapag nanlaban ang mga terorista ay pulbusin na ang mga ito.

“Isa pang kalaban natin na sumisira sa buhay natin ay itong mga terorista, kasali na ang NPA, kasali na ang mga kidnap-for-ransom nandiyan sa Jolo, ang Abu Sayyaf at lahat na at ang utos ko sa kanila, ‘pag sila ay lumaban, durugin para matapos na ang problema ng mga Pilipino,” anang Presidente sa kanyang speech sa ika-84 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines nitong Martes, Disyembre 17.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay makaraan niyang sabihin na bukas muli siya sa peace talks sa mga komunista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?