131

Jul 3, 2020 @ 22:28
By

Duterte sa mga sundalo: ‘Wag gumanti sa mga pulis

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasundaluhan na pabayaan na gumulong ang imbestigasyon tungkol sa pagpatay sa apat na intelligence personnel ng Philippine Army, na binaril ng mga pulis sa Jolo, Sulu.

Sa talumpati ng Pangulo sa Edwin Andrews Air Base sa Zamboanga City nitong Biyernes, maging siya ay nalulungkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa kamay pa ng mga pulis.

Ngunit aniya, walang madudulot na maganda kung maggagantihan ang dalawang panig kaya’t mas mabuting hintaying matapos ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa insidente.

“Ako nga galit. I’m here to make a simple request, a plea, na yung nangyari, the best thing for us to do, which is the only way para sa atin, I have directed the NBI to investigate,” ayon sa Pangulo.

“Gusto mo patay tayo ng lima, anim na pulis? What good will it do?” aniy ap.

Siniguro naman ni Duterte na magiging patas ang imbestigasyon at mapaparusahan ang sinumang sangkot sa pagpaslang sa mga sundalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?