By

Duterte sa mga sundalo: Pag nakorner ng NPA, asarin sabay dirty finger

Sharing is caring!

Binilinan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo na huwag pahuhuli ng buhay kapag napalaban at na-corner ng mga miyermro ng New Peoples Army.

Ginawa ito ng Pangulo matapos bisitahin ang 26 na mga sugatang sundalo sa Philippine Army General Hospital sa Fort Bonifacio ,Taguig City kahapon.

Pinasalamatan ng Presidente ang mga sundalo sa sakripisyo at hirap na pinagdaanan para ipagtanggol ang bansa laban sa mga kalaban ng estado at nangako na bibili ng mga bagong armas at 23 attack helicopters.

May regalo ding side-arms ang Pangulo sa mga binisitang sugatang sundalo at pinayuhang huwag pahuhuli ng buhay sa mga NPA.

Kapag aniya napalaban sa mga rebelde, ireserba ang huling magazine ng baril para sa sarili at bago magbaril ay asarin sila sabay muestra ng dirty finger.

“Huwag ninyong i-surrender ‘yang armas na ibigay ninyo. Ngayon, kung nandoon sa… Masama man pakinggan pero usually it comes with three magazines. ‘Yung last magazine, para inyo ‘yun. Huwag mong ubusin sa kalaban, magtira ka ng para iyo.Huwag mong ibigay ‘yung armas mo buhay ka. Huwag kang mag-surrender kasi bababuyin ka. Talagang gawain kang parang aso sa kampo nila pagkatapos papatayin ka lang rin sa harap ng camera.

Ang pinakamagandang saludo ibigay niyo sa kanila alam mo kung ano? Kung magtanong kayo sa akin, hindi ako sundalo, isa ako sa mga suplado lang. Pagna-corner ka, ganunin mo ang kamay mo. F*** you. Huwag mo silang bigyan ng kaligayahan na t*** mo, l*** ka, ” ang pahayag ng Pangulo.

Ginawaran ng Presidente ng Order of Lapu Lapu na may ranggong kampilan ang mga sugatang sundalo, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa mga kawani ng gobyerno na nasugatan habang tinutupad ang kanilang tungkulin. (aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?