34

Oct 23, 2017 @ 11:05

Duterte sa mga Pinoy: Treat your soldiers well

Tratuhin nyo ng maayos ang mga sundalo lalo na ang mga nakipagbakbakan sa Marawi City.

Ito ang pakiusap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa kanyang pagdalo sa selebrasyon ng Masskara festival sa Bacolod City noong Linggo ng gabi.

Sinabi ng Pangulo na tapos na ang krisis sa Marawi City at sa pitong beses na pagbisita sa lungsod ay iisa ang mensahe nito sa mga kawal na nakipagbakan sa mga Maute terror group.

Ayon sa Pangulo, hinalaw niya ito sa anak ni dating Justice Abad Santos at sinabing “Not every filipino is given a chance to die for his country.”

Hiniling ng Pangulo sa mga taga-Bacolod na suportahan at kilalanin ang sakripisyo ng mga sundalong nakipaglaban sa Marawi city.

“Magkaisa tayo dito, baka dumating na yung mga sundalong nakabase dito galing Marawi. You treat your soldiers well they have sacrificed for this country. Bigyan nyo ng party, yayain nyo because they really went into hell, yung iba they did not make it. That is the sadness na..naawa ako,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

Unti-unti ng nag-alisan ang tropa ng militar sa Marawi City matapos humupa na ang bakbakan at iilan-ilan na lamang ang natirang terorista na pinipilit makuha ng mga sundalo subalit patuloy na lumalaban ang mga ito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?