212

Dec 31, 2017 @ 16:05

Duterte sa mga Pilipino: Manatiling matatag sa 2018

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pilipino na na salubungin at ipagdiwang ang Bagong taon na puno ng pag-asa at determinasyon sa kabila ng mga pagsubok na pumipigil sa kasaganaan ng bansa.

Sa kanyang mensahe para sa pagsalubong ng Bagong Taon, umaasa ang Pangulo na magkaisa ang lahat sa pagharap sa hamon na makapagbigay ng maginhawa at kapaki-pakibanang ng buhay para sa lahat.

“Nasa panahon tayo ng matinding pagsubok sa ating bayan. Patuloy na hinahadlangan ng katiwaliaan, kriminalidad, ilegal na droga at terorismo ang ating pag-usad nitong nakaraang taon,” sabi ni Duterte.

Sa kabila nito, umaasa ang Pangulo na mananatiling matatag ang sambayanan sa pagharap sa mga hamong ito bilang isang bansa.

“Yakapin natin ang hinaharapa nang may pag-asa at paninindigang tuparin ang ating mga pangarap para sa isang mas maayos at maunlad na bukas,” mensahe pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?