131

Feb 12, 2020 @ 21:33
By

Duterte sa mga ‘ninja cop’: Mamamatay kayong lahat!

Hindi palulusutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang narco generals at ninja cops na patuloy na nagiging salot sa lipunan dahil sa iligal na droga.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa oath taking ng mga bagong opisyal ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) sa Malacañang nitong Miyerkoles ng gabi.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na bagama’t nabawasan na ang narco generals pati na ang sindikato ng ninja cops, wala aniyang ibang kapupuntahan ang mga ito kundi mamatay dahil sa kanilang kasalanan sa bayan.

“Yung mga generals pati yung ninja cops, they are still around but I reduced to about apat na lang, and they will all die because may kasalanan sila sa bayan,” anang Pangulo.

Kapag hindi aniya nito malinis ang lahat ng mga ito sa kanyang termino, wala pa ring kawala ang mga narco general at ninja cop dahil kapag nagsanga ang kanilang landas ay babarilin pa rin niya ang mga ito.

“Ngayon, kung hindi ko sila maabutan pag hindi na ako mayor, babarilin ko pa rin sila pag nakita ko. Same, whether I’m President or ordinary, pag nagkita tayo at alam kong galit ka sa akin dahil sa droga, eh magbabarilan talaga tayo,” dagdag ng Pangulo.

Binira muli ni Pangulong Duterte ang Commission on Human Rights (CHR) dahil sa pagtatanggol sa mga suspek na sangkot sa iligal na droga na aniya ay mas mahalaga sa kanila kaysa ang mga naging biktima ng mga ito.

Ang hindi aniya alam ng CHR, ang mga narco general ang nasa likod ng mga patayan ng drug suspects at ang kanilang mga galamay ang naglilikida sa kanilang mga tauhan na marami ng alam sa kanilang illegal drug operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?