30

By

Duterte sa mga negosyante: Pay the correct taxes

Sharing is caring!

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyante na makipagtulungan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para maisulong ang mga nakalinyang programa ng gobyerno sa ilalim ng Build, Build, Build program.

Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo sa harap ng pagsisikap ng BIR na madagdagan ang koleksiyon sa buwis para may magamit sa mga proyekto ng pamahalaan.

Hinimok ni Pangulong Duterte ang mga negosyante na isumbong kaagad sa Malacañang kapag may magtatangkang manghingi sa mga ito kapalit ng pabor sa kanilang mga obligasyon sa buwis.

“Kayong mga businessmen, just pay the correct taxes and I assure you, if there is any attempt, manghingi o mag-demand or making it hard for you to do the right thing, you just call anybody in the Cabinet or kay Bong Go,” ang pahayag ng Pangulo.

Batid ng Presidente na naging ugat ng katiwalian ang usapin sa buwis lalo na sa mga negosyanteng may malaking pananagutan sa gobyerno.

Kaya naman tiniyak nito na magkakaroon ng direktang linya ang mga negosyante sa Malacañang basta sumunod lamang sila sa BIR.

“I will grant you the audience immediately. Tawagan mo lang kung sinong tawagan mo. But kindly help the BIR because he’s trying desperately to raise money because of the Build, Build,Build,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }