46

Jan 19, 2019 @ 15:52

Duterte sa mga Moro: Magkaisa laban sa karahasan, ISIS

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Moro na labanan ang karahasan sa Mindanao, pati na ang mga galamay ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.

Ang apela ay ginawa ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa Peace Assembly sa Cotabato City kahapon.

Ayon sa Pangulo, dapat na magkaisa ang mga Moro laban sa ISIS dahil walang alam gawin ang mga ito kundi ang pumatay.

“We must insist against violence. Iyong araw-araw na ito, it could be maski saan. Ang masakit, it’s all in the areas of Arabs, Muslims. So we must stand together against violence, against ISIS because they do not know anything except to kill,” anang Pangulo.

Kinuwestiyon ng Pangulo ang prinsipyo ng ISIS dahil ginagamit ang relihiyon para pumatay ng tao.

“How are we suppose to survive as a nation kung if you treat your other fellow human beings as infidel? That’s a very stupid proposition. Hindi ‘yan ang sinasabi ng mga tiyuhin ko pati lola. It was never a proposition anyway. Its so silly,” dagdag pa ng Pangulo. (aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?