3,005
duterte9
Mar 9, 2019 @ 15:51
By

Duterte sa mga misis na may babaerong mister: Buhusan niyo ng kumukulong tubig ang ari!

May payo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga misis na mayroong mga babaerong mister para makaganti sa panloloko.

Ang solusyon aniya ay buhusan ng kumukulong tubig ang ari ng kanilang babaerong asawa at isama na ring banlian ang itlog ng mga ito.

Sa ganitong paraan aniya ay magtatanda ang mga palikerong asawa at kapag naghilom ang paso ay mukhang halimaw na ang kanilang pagkalalaki.

“For the women, if your husbands fool around, pour boiling water on his penis and balls. And when it heals, it will look like a monster. That’s what you should do to your cheating husbands,” anang Pangulo.

Ang Pangulo ay naging panauhing pandangal sa pamamahagi ng titulo ng lupa sa Sagay City, Negros Occidental Biyernes ng gabi at sa kanyang talumpati ay inisa-isa ang mga nagawa na ng gobyerno partikular ang libreng edukasyon, universal health care at ang panghuli ay family planning.

Marami aniya ang mga batang hindi nabibigyan ng sapat na atensiyon at pangangailangan at nalulungkot siya kapag nakakakita ng batang walang damit, payat at sakitin dahil sa kahirapan.

Kaya malaking tulong ang family planning para maplano ng mag-asawa ang tamang pagpapamilya.

Nauna rito ay pabirong sinabi ng Pangulo sa mga kalalakihang dumalo sa aktibidad na bibigyan niya ang mga ito ng ikalawang asawa kung hindi kuntento sa isa ang mga ito.

“What else do you want? To the men here, if you want a second wife, I will give you a second wife,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?