226

By

Duterte sa mga militante: Iihian ko ang mga mukhang n’yo!

Sharing is caring!

Walang aasahang tulong sa gobyerno ang mga militanteng grupong walang ginawa kundi maghasik ng kunsimisyon at magpahirap sa publiko.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bagamat iginagalang niya ang freedom of expression, ibang usapan na ang panununog at pag-ihi sa kanyang larawan.

Mataandaang nag-viral sa social media ang ilang urinal sa University of the Philippines (UP) na mayroong larawan ng Presidente at iniihian ng mga estudyante.

Sinabi ng Pangulo na huwag umasa ng tulong sa gobyerno kapag nagkaproblema dahil ipinaiiral lamang ng militar at pulisya ang law and order sa bansa.

“Kayong mga Ito, may SONA. O, p***** i** ninyo. Kung madisgrasya kayo problema na ninyo ‘yan. Ngayon… Iniihian ninyo mukha ko tapos sinusunog pa ninyo ‘yung… Ngayon, maghingi kayo ng tulong? T*** i** ninyo problema ninyo ‘yan.

Sunugin mo ‘yung mukha, ihian mo pa ‘yung mukha ko tapos maghingi ka ng tulong? Maghiga ka muna sa daan, ihian ko ‘yan lahat mukha ninyo,” anang Pangulo.

Malapit na aniya ang kanyang state of the nation address o sona at mayroon siyang direktiba sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na pairalin ang kaayusan at kapayapaan laban sa mga militanteng grupong nagkakasa na ng malakihang kilos protesta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?