42

Nov 24, 2021 @ 19:25
By

Duterte sa mga mayor, gob: Pakainin magpapabakuna

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mayor at gobernador na bigyan ng makakain ang mga constituent nitong magpapabakuna laban sa COVID-19 at siya raw ang magbabayad nito.

“I am authorizing all governors and mayors gumastos na lang kayo ng pera papalitan ko lang ‘yan balang araw. Pakainin ninyo na lang sila. Pakainin ka… gutom ka, kawawa naman yung Pilipino. Really, you just give me the bill and I will try to pay it if I have the money,” anang Pangulo sa kanyang Talk to the People kagabi.

“I also appeal to all governors and mayors dalhin ninyo ang mga constituent ninyo sa vaccination sites sa mga hospitals, malls at maging sa mga Jollibee at McDonalds branches para mabakunahan na sila,” dagdag niya.

Mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 ikakasa ang national vaccination nationwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?