1,725

By

Duterte sa mga kritiko: Gusto n’yo giyera sa China, sige samahan ko kayo sa WPS

Sharing is caring!

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang oposisyon at mga kritiko na pumunta sa West Philippine Sea kung naghahanap ang mga ito ng giyera.

Tugon ito ng Pangulo sa puna ng oposisyon na dapat sa West Philippine Sea ito nagpunta sa halip na sa Philippine Rise.

Ayon sa Pangulo na wala siyang balak na maghanap ng away sa China dahil batid niya ang kapasidad at kakayahan ng mga sundalo ng bansa kung makipag-giyera sa China.

“Sabi ngayon, gusto ninyong giyerahin natin. Sino bang gusto na — Kasi payag ako. I can declare war on China tonight. At sino ang magpunta? Sundalo ko? Pulis ako? Mamatay lang lahat ‘yan.Sinabi ng, why will I go to war for a battle that I cannot win? Para akong g***.

Sabi nga ni Noynoy in his press statement, only Amerika can stop. O ‘di bakit hindi niya sinabihan ang Amerika, “pumunta ka doon. Dalhin mo ‘yung aircraft carrier mo, dahlhin mo ‘yung cruise missiles mo, dalhin mo ‘yung battleship mo at parahin mo.” Ngayon, walang ginawa ang Amerika so that the Chinese made a garrison out of those rocks there and … Ngayon gusto nila ako ang…,” anang Pangulo.

Muling inulit ng Presidente ang naunang pahayag na darating ang araw na igigiit niya sa China ang karapatan ng Pilipinas batay sa arbitral ruling na napagtaumpayan ng dating administrasyon.

Malinaw aniya ang naging pag-uusap nila ni Chinese President Xi Jinping kung saan sinabi sa kanya ng Chinese leader na mas mainam huwag igiit sa ngayon ang isyu dahil gumaganda muli ang relasyon ng Pilipinas at China at kung magpipilit ay magkakaroon ng problema na ang ibig sabihin ay posibleng magkagiyera.

“Sabi niya, okay lang pero huwag ngayon because if we do that, there will be trouble. So if you are a Chinese, what do you mean by there will be trouble? There will be war,” dagdag pa ng Pangulo.

Kaya para sa mga nagpupumilit pumunta sa mga pinag-aagawang teritoryo,sinabi ng Pangulo na sasamahan niya ang mga ito at pagdating sa mga isla ay iiwanan niya ang mga ito.

“So sino ‘yung mga gustong pumunta doon ngayon. Okay man ako. We will declare war… China. Provided ‘yung mga ugok, ‘yung maingay mauna sila. Nandiyan ako sa likod nila. Pagdating doon iwanan ko sila. Bahala kayo, eh gusto makipagaway eh,”dagdag pa ng Presidente,” ang dagdag na pahayag ng Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?