56

Jan 5, 2022 @ 12:39
By

Duterte sa mga Kapitan: Hindi bakunado ‘wag palabasin, ‘pag nagpilit arestuhin

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga kapitan de barangay na huwag palabasin ang mga hindi bakunado sa kani-kanilang lugar.

Sa harap na rin ito ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa at patuloy na pagtanggi ng ilan na magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na maaaring arestuhin ang mga hindi bakunadong indibidwal na magpilit lumabas sa kabila ng kanyang kautusan.

“So barangay captains, you are put on notice and the order for you to find out the persons who are not compliant with the laws or of their refusal to have the vaccines, you can actually prevent them from leaving the house. And if they refuse, because they are persons in authority, you can just insist and arrest him,” anang Pangulo.

Kung wala aniyang pulis na mag-aaresto sa mga pasaway ay maaaring ang mga opisyal ng barangay ang manghuli sa mga hindi bakunadong lumalabas ng mga tahanan.

“Kung may pulis, pulis na lang ang utusan ninyo. Pero ‘pag walang pulis, as a person in authority, you can now use reasonable force for him not to continue with his jaywalking,” dagdag ng Pangulo.

Hindi aniya biro ang panganib na hatid ng mga hindi bakunado dahil ang mga ito ang mabilis kapitan ng COVID-19 at mabilis makapanghawa kaya mahalagang mapabakunahan ang mga ito.

Sa kabila ng maraming supply ng bakuna ang gobyerno ay marami pa ring Pilipino ang tumatangging tumanggap ng COVID vaccine. (Aileen Taliping)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?