41

Jan 14, 2021 @ 11:47
By

Duterte sa matulunging negosyante: Maaalala namin kayo

Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyanteng tumutulong sa gobyerno na tugunan ang pandemyang COVID-19.

Tiniyak din niya na maaalala nila ang mga grupong ito.

“Pasalamat tayo for those persons mentioned and the agencies who are trying to, who are there to help us in the, well, in the vaccination of the population,” bigkas ng pangulo sa isang recorded na mensahe sa madla na inere kagabi.

“Well, we cannot, we cannot remember everybody mentioned, but sabihin ko na lang na magpasalamat ako sa inyo. It’s a big deal really for you to be conscious also of the problem and trying to give a helping hand.”

“We will remember you after this. And more importantly, God will always be conscious of what you are doing,” sabi pa niya.

Ilan sa mga binanggit ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na tumutulong sa COVID-19 response at nationwide vaccination program ng gobyerno ay ang Zuellig, MVP group, Ayala group, Aboitiz, at Unilab.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?