16

Aug 11, 2020 @ 9:18
By

Duterte sa korap sa PhilHealth: Kung maaari lang, patayin ka

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na “yayariin” niya ang mga mapatutunayang tiwaling opisyales sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Samantala, sinabihan niya ang mga “inosente” na opisyales na magpatuloy lang sa pagtatrabaho.

“Huwag kayong magkakamali. Itong PhilHealth, sabi ko yayariin ko kayo, maniwala kayo. Iyong mga inosente naman, wala kayong dapat i-ano, tahimik lang kayo at continue working,” wika ni Duterte sa isang taped address na inere kagabi.

“Kung nakalusot kayo sa ibang president, sa akin sadsad kayo,” banggit niya pa.

Natitiyak din umano ng Pangulo na tutulungan siya ng kanyang Gabinete na mapatalsik ang mga korap sa ahensiya.

“And with the help of mga Cabinet members ko, hindi na lang — hindi ko na lang ipagyabang but these are people also… Simple lang. Why? Why are they really helping me to get rid of you? Kung maaari lang patayin ka? Alam mo bakit? Because simply they love their country,” wika pa ni Duterte.

Nauna nang pinag-utos ni Duterte sa Department of Justice ang pagbuo ng inter-agency task force na sisiyasatin ang mga paratang ng korapsiyon laban sa ilang PhilHealth official.

Bukod sa DOJ, kabilang din sa task force ang Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Office of the Executive Secretary, Undersecretary Jesus Melchor Quitain ng Office of the Special Assistant to the President, at Presidential Anti-Corruption Commission.

Sa isang Senate hearing noong nakaraang linggo, inakusahan ni whistleblower at dating PhilHealth anti-fraud legal officer Thorsson Montes Keith na nasa P15 billion ang binulsa ng “in-house mafia o syndicate” sa PhilHealth, kung saan kasapi umano ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth executive committee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?