Duterte sa gov’t officials: ‘Wag ipitin ang business permits

Sharing is caring!

Napundi na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng gobyerno na nagtatangka pa ring dumiskarte para kumita ng mas malaking pera sa pamamagitan nang pang-iipit sa dokumento ng mga gustong magnegosyo sa bansa.

Sa kanyang talumpati pagdating sa bansa mula sa Vietnam, inihayag ng Pangulo ang pagkadismaya matapos mabasa ang report na medyo mababa ang marka ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa para sa mabilis na transaksiyon ng mga nais magtayo ng negosyo.

Sinabi ng Pangulo na nagtakda na siya noon ng deadline para sa government transactions at ang hindi makakasunod nito ay sisibakin kapag hindi naging maganda ang paliwanag.

“I am warning everybody, again, marami na akong pinalayas sa gobyerno, hindi ko lang — ayaw ko ‘yung publicity. But I have fired so many people to date, at gusto ko pang kung sino ‘yung nagpapahirap, kasi ang bayan natin ang nahihirapan.

You know when you go into graft and corruption, even sa local level, ‘yung permit — business permit to open, you know, an opportunity for investment there for as long as they hang on to the papers, documents, order, approval at inabot ng minsan six months, naghihintay lang ng pera,” ang pahayag ng Pangulo.

Kasama rin sa binalaan ng Pangulo ang kanyang mga gabinete na agad sisibakin kapag hindi maipaliwanag kung bakit nagtatagal ang business permit ng mga nais na magnegosyo sa bansa.

“And again I reiterate my warning to the Cabinet members, one month, one month palabasin mo, either you deny it and state it clearly why or do not hang on to the papers or I will just…You know, give me a reason to doubt about your integrity and honesty and I will fire you!,” dagdag pa ng Presidente.

Iginiit ng Pangulo na nais niyang maging maganda ang buhay ng susunod na henerasyon kayat gusto niyang maging madali ang pagpasok ng mga negosyo sa Pilipinas para makausad at makabangon ang bansa. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?