31

Sep 29, 2020 @ 0:01

Duterte sa Facebook: Usap tayo!

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte Facebook kasunod ng ginawang pagsasara sa ilang account ng militar at pulisya sa nasabing social media platform.

“Facebook, listen to me. We allow you to operate here hoping that you could help us also. Now, if government cannot espouse or advocate something which is for the good of the people, then what is your purpose here in my country?” mensahe ni Duterte sa kanyang ‘ Ulat sa Bayan’ nitong Lunes ng gabi, Setyembre 28, 2020.

“What would be the point of allowing you to continue if you cannot help us? We are not advocating mass destruction, massacre. It’s a fight of ideas,” dagdag ng Pangulo.

Nakaraang Linggo ay isinara ng Facebook ang ilang account dahil sa umano’y
coordinated inauthentic behavior (CIB).

“Tell me kung bakit hindi ko magamit para sa kapakanan ng taumbayan? [If] government cannot use it for the good of the people then we have to talk. We have to talk sense,” pahayag pa ni Duterte sa Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?