57

Oct 19, 2017 @ 21:39

Duterte sa EU: Pangunahan n’yo ang drug sa Pinas

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang European Union na pangunahan ang drug war sa Pilipinas kung inaakalang mas magaling sila sa paglutas sa problema sa illegal na droga.

Sinamantala ng Pangulo ang pagkakataon kahapon sa ASEAN High Level Forum sa Conrad Hotel, Pasay City para muling banatan ang EU dahil sa pakikialam sa panloob na usapin ng Pilipinas.

Sa harap ng mga matataas na opisyal ng ASEAN countries at iba pang diplomat, mistulang nilecturan (lecture) ng Presidente ang EU dahil sa kulang na kaalaman sa tunay na sitwasyon ng mga kinakaharap na problemang panlipunan ng Pilipinas.

Hinimok ng Presidente ang mga bansang may reklamo sa kanyang polisiya at idulog sa United Nations para maimbestigahan sa halip na pakialaman at gusto pang diktahan kung ano ang dapat na gawin.

Kung may maganda aniyang solusyon ang EU para malutas ang problema sa illegal na droga ay maluwag niya itong tatanggapin para pangunahan ang paglutas sa problema.

“If any western country is interested to do it the civilized way, then come. i am inviting you to join the fray. and i will be glad to appoint you the lead role in the problem. otherwise if you cannot stop interferring, at least be educated in your assessment, for afterall, all countries suffer from social problems,” ang pahayag ng Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na ang problema sa illegal na droga ay nangyari pa sa mga nakalipas na administrasyon kayat huwag idiin ang sisi sa kanyang administrasyon kung bakit lumala ang drug problem.

“The point is look at the social problem. For example, during the time of, [with due respect, ma’am], the drug problem is already there.

During the time of President Aquino, it got worse and it is still there. And when I was the President, it was there. And yet, early on we’re being reprimanded publicly by the highest officials of other lands as if we are a colony,” ang dagdag pa ng Presidente. (AIleen Taliping))

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?