94
views

By

Duterte sa drug lords: Mas gangster ako sa inyo!

Sharing is caring!

Hindi uurungan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sindikato ng iligal na droga na patuloy na nag-o-operate sa bansa.

Kasunod ito ng natanggap na impormasyon na muling naging aktibo ang ilang drug syndicate na nauna nang nabuwag matapos mapatay ang kanilang mga lider.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang dinaluhang pagtitipon ng mga vice mayor sa Panglao, Bohol, magpapatuloy ang kanyang anti-drug war at hindi ito mag-aatubiling itapon sa dagat sakay ng helicopter ang mga ayaw magpaawat sa kanilang illegal drug trade.

Pero bago itapon sa dagat ang isang drug suspect ay paaaminin muna ito at kukunan ng impormasyon sa kanilang operasyon.

“Kung gangster kayo mas gangster ako. Hulihin mo ‘yan, karga mong helicopter. Ayaw mo magsalita? Way musilti ninyo? Okay ihulog mo ‘yang P****i**** ‘yan,” anang Pangulo.

Binigyang-diin din ng Presidente na ang kalye at lansangan, pati na mga parke ay para sa mga matitinong Filipino, at hindi para maging tambayan ng mga durugista.

“Let me tell the Republic of the Philippines, the people. Itong highway natin, itong roads natin, itong park natin, para ito sa matitino — the law abiding citizen of this country. It is not for the drug people to be there. Pag nakita ko kayo diyan, damputin kita, itapon kita doon sa dagat,” dagdag pa ng Presidente.

Ibinida ng Pangulo na hindi umubra sa kanya ang pagiging matigas ng mga dating alkalde na sina Ronaldo Espinosa, Reynaldo Parojinog at Melvin Odicta dahil nagtapos din ang paghahari-harian ng mga ito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?