25

Oct 27, 2020 @ 19:10
By

Duterte sa DOJ: Buong gobyerno halukayin sa korapsyon

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) na huwag lang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang imbestigahan tungkol sa korapsyon kundi buong gobyerno.

“I hope all government workers, officials are listening. This is a memorandum from me, the President, to Sec. Menardo Guevarra, Department of Justice. Ang subject is [to] investigate allegations of corruption in the entire government. Lahat,” aniya sa taped speech na ipinalabas nitong Martes.

“The DOJ shall have the authority to decide which allegation to investigate taking into consideration the gravity thereof and their impact on the delivery of government service,” dagdag niya.

Binigyang-kapangyarihan din ng Pangulo ang DOJ na bumuo ng mga panel at mag-imbita ng mga government agency para maging bahagi noon.

“This directive shall remain in effect until June 30 of 2022, pag-alis ko, unless sooner lifted or revoked,” wika ni Pangulong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?