129

Jan 1, 2018 @ 13:22

Duterte sa Davao sinalubong ang Bagong Taon

Gaya ng nakagawian, sa Davao City sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bagong taon.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, naging tradisyon na ng Presidente na sa Davao iselebra ang pasko at bagong taon kasama ang pamilya,mga anak at apo.

“Nasa Davao po si Pangulo. Nakaugalian na po niya yan na tuwing pasko at new year nasa Davao siya,” ani Roque.

Matatandaang noong June 30 ay pinangunahan ni Pangulong Duterte ang Rizal Day at nag-alay ng bulaklak sa monumento ni Gat Jose Rizal at pagkatapos nito ay bumalik na rin ng Davao City.

Sa New Year’s message ng Pangulo, hinikayat nito ang mga pilipino na salubungin ang 2018 ng may bagong pag-asa sa kabila ng mga dinanas na kalamidad nitong 2017.

Umaasa ang Pangulo na pamamagitan ng katatagan ng sambayanan ay makakabangon at malalagpasan ang lahat ng mga darating pang pagsubok. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?