348

By

Duterte sa China ‘hit and run’: Banggaan lang ng barko ‘yan, huwag nang palakihin

Hindi umano handa ang Pilipinas sa nuclear war kaya huwag aniyang palalain pa ang nangyaring insidente sa West Philippine Sea na kinasasangkutan ng Chinese vessel at bangka ng mga Pinoy, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Do not make it worse [insidente sa WPS], banggaan lang ng barko ‘yan. We’re not ready sa nuclear war,” saad ng Pangulo.

“Huwag kayong maniwala sa mga politiko na bobo,” dagdag pa niya.

Dapat din umanong maghintay ang publiko at pakinggan ang panig ng China.

“The only [thing] we can do is to wait. And give the other party (China) the right to be heard,” saad pa niya.

Magugunitang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kamakailan na matapos banggain ng Chinese vessel ang Filipino boat sa Recto Bank ay inabandona ang 22 mangingisda na sakay ng bangka. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?