100

Oct 26, 2017 @ 18:49

Duterte sa bagong AFP chief: Wasakin ang mga armas ng Maute

Ipinawawasak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong Hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Lt. General Rey Leonardo Guerrero ang mga armas na nakumpiska ng militar sa Maute terror group na naghasik ng karahasan sa Marawi City.

Sa kanyang talumpati kahapon sa Change of Command ceremony sa Kampo Aguinaldo, ang pagwasak sa halos dalawang libong nakumpiskang armas ng Maute terror group ang marching order nito kay Gen. Guerrero.

Ipapakita aniya sa buong mundo na nagtagumpay ang mga sundalo sa paglaban sa terorismo sa Pilipinas.

“I will now request the Chief of Staff General Guerrero to supervise the destruction of all arms whether high-powered or handguns, all of it will be destroyed in some place to show that we are also able to meet the challenges of terrorism and violence,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, bukod sa nakumpiskang mga armas ng Maute terror group, nagawa rin aniyang nadurog ng militar ang mahigit dalawang libong kalaban ng gobyerno.

Kasabay nito, kinilala ni Pangulong Duterte ang mga nagawa ni retired AFP chief Eduardo Anio sa AFP, at isa aniya sa maituturing na “crowning jewel” ng heneral sa kanyang career ay ang matagumpay na liberasyon ng Marawi City at pag-neurtalized sa ISIS-inspired na mga terorista. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?