288

By

Duterte sa Abu Sayyaf: Tapusin na natin ito

Sharing is caring!

Gusto nang wakasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpatay sa mga tropa ng pamahalaan sa kilalang pugad ng Abu Sayyaf Group (ASG) na Jolo, Sulu sa Mindanao.

“Tapusin na natin ito,” ani Duterte sa closing ceremony ng motorcycle riding course sa Davao City nitong Biyernes, na ang tinutukoy ay ang pagkamatay ng mga miyembro ng militar sa pakikipag-engkuwentro sa ASG.

Sinabi pa nitong ipapadala niya ang buong military division sa Jolo para pulbusin na ang ASG.

“In a few days, I’m transferring one division sa Jolo. Nagsawa na ako, fortnight ago, nag-usap kami…I indicated to them my disappointment kung bakit ganun, sige na lang tayo, namatayan tayo ng apat, nakapatay tayo ng isa,” anang Pangulo.

Nalungkot din umano si Pangulong Duterte nang bisitahin nito ang burol ng ilang sundalo niya sa Jolo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?