28
Duterte-Robredo tandem sa drug war, kinagalak ni Bro. Eddie Villanueva
By

Duterte-Robredo tandem sa drug war, kinagalak ni Bro. Eddie Villanueva

Ikinatuwa ni House Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva ang hindi inaasahang pagtutulungan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa pagresolba ng laganap na droga sa bansa.

Sa kanyang Twitter post, inihayag ni Villanueva ang kanyang kasabikan sandaling mapagtagumpayan ng dalawang lider ng bansa ang pagsupil sa droga.

“Congratulations to unexpected partnership between President Duterte and Vice President Robredo in pursuing drug war but within the rule of law!,” sabi sa tweet ni Villanueva.

“Both leaders, once succeed in this aspiration will surely be blessed by God and people in history!” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?