109

By

Duterte: Relief goods ‘wag nang ipaubaya sa mga mayor

Sharing is caring!

Ayaw nang ipadaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alkalde ang tulong ng national government kapag may kalamidad.

Kasunod ito ng ulat na hindi lahat nakarating sa mga biktima ng kalamidad ang relief goods at perang ibinibigay ng gobyerno dahil kalimitan ang nabibigyan lamang ay kakampi at supporters ng mga alkalde.

Sinabi ni Duterte na hindi magandang practice ito ng mga politiko dahil hindi dapat napupulitika ang pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

“Yung pera ng national government are supposed to be neutral. Hindi puwedeng i-devolve yan sa mga mayor kasi gagamitin lang yan sa politika. Sabi ko, you give it directly and make sure that the persons receiving are truly the beneficiaries,” anang Pangulo.

Ang gusto ng Pangulo ay kunin ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang validated list sa mga local chief executives at direktang ibigay sa mga apektadong mamamayan ang tulong na dapat matanggap sa gobyerno.

“Sumunod kayo sa tama. Nobody should take advantage or give an advantage to other. Huwag sa panahon ko,” dagdag pa ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?