134

Jul 17, 2021 @ 20:52
By

Duterte ready sa demanda vs PDP-Laban

Aasahan na umanong bubuhos ang mga demanda simula ngayon hanggang sa darating na eleksyon kaugnay sa gusot sa loob ng PDP-Laban.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa national assembly ng partido na ginanap sa Clark, Pampanga nitong Sabado.

Ayon sa pangulo, tiyak na lalaban at makikipagpukpukan ang kampo nina Senador Koko Pimentel laban sa ibang kasamahan na ayaw nilang makasama sa partido.

“There’s going to be a lot of suits far and wide in between now and in the election. Ano ako na they will fight tooth and nail dito, especially Koko,” anang pangulo.

Kinikilala ng presidente na sa mga Pimentel ang PDP-Laban partikular na si dating senate President Aquilino Pimentel Jr. na siyang nagtatag ng partido subalit hindi aniya naalagaan dahil walang tamang diskarte ang kanyang anak.

“It was the founding Pimentel, the old man who really yung ginawa niya ito. It’s a work of love sa kanya. Pero ang problema, ang anak ang walang ano–walang diskarte na tama,” dagdag ng pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?