2,688
tom-villarin-
By

Duterte pwedeng mapatalsik dahil sa pagbunyag ng narco list – Akbayan Rep.

Mapait ang naging tugon ng isang party-list solon sa paglantad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng partial list ng mga hinihinalang ‘narco politician’ sa bansa.

Ayon kay Akbayan Representative Tom Villarin, hindi absolute ang kapangyarihan ng Pangulo kaya’t dapat ay inirespeto ang karapatan ng isang indibiduwal para maipaglaban ang kanyang sarili at hindi dumaan sa trial by publicity.

“As President of the republic, Duterte’s powers are not absolute nor can he justify putting the state in order by infringing on an individual’s right to due process and presumption of innocence,”ani ni Villarin sa isang statement.

Kanya pang idinagdag na impeachable offense o pwedeng grounds para mapatalsik sa pwesto si Duterte dahil sa ginawa.

“This could constitute an impeachable offense for culpable violation of the Constitution.”

Huwebes ng gabi ay inihayag ni Duterte ang ilang mga kasama sa narco list sa Mindanao, kasama rito ang 46 na indibiduwal, 33 ay mayor ng kani-kanilang lungsod.

“We cannot allow trial by publicity especially coming during an election season where political violence heightens. With the list out, it is now open season for political assassinations. It has now become game for political rivals to assume that death warrants have been served against their opponents,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?